Thursday, February 16, 2012

Deep inside it hurts.

Drama mode. I need to be patient, I need to control myself, I need not to comment and make excuses and I need to understand the people who are talking lies and negative feedbacks about me. But Darn! It hurts.

Totoo talaga na hindi lahat ng tao ay maple-please mo. Well, kahit sa Bible sinasabi ring wag mong i-please ang tao, kundi si God.

Sa mundong ito, hindi lahat ng taong kumakausap sayo or nakakasama mo eh totoo sayo. Minsan, pag may reklamo sila sayo, sa ibang tao pa nila ito sasabihin imbes na sabihin sayou ng harapan.

Minsan pa nga, ikakalat na muna nila yung mga ayaw nila sayo at malalaman mo pa sa ibang tao. Kapag tinanong mo naman sila ng harapan, biglang deny sila. Tao nga naman. Mabuti na nga lang may mga natitira pang tao ang nandiyan para sabihin sayo ang gusto nilang sabihin sayo at ang tawag doon ay kaibigan.


Para sa akin, malalaman mo nga kung sino talaga ang tunay mong kaibigan kung ikaw ay nasa kagipitan, kung ikaw ay nasa kasiyahan. Nakita ko ang tunay na kaibigan kay God. Nahahanap kay God ang kaibigan. Dapat alam mong kaibigan mo si God dahil Siya ang magbibigay ng tunay n kaibigan sayo ditto sa mundong ginagalawan mo. (masyado na atang OA, pero totoo).

Maraming tao ang dadaan sa buhay mo, kumbaga magiging part ng buhay mo pero iilan lang dun ang tunay na kaibigan.

Dhan and me
Maituturing kong Bestfriend si Dhan, kasi siya yung unang lalaking tumanggap sa akin, ano pa man ang nagging past at pinagdaanan ko. Bestfriend ko rin siya, kasi kahit ano pa man ang mangyari hindi niya ako iniwan. Naging witness ko rin siya sa pangyayari ng buhay ko. Kaya siguro minahal ko siya at ngayon mahal na mahal ko siya.

   
 
Hannah and me

Best friend ko rin si Hannah Edangan, magmula grade school, magakakilala na kami, madalas naglalaban ang schools naming sa mga contests. Hanggang sa dumating yung highschool. Sophomores kami ng naging close at dun nagsimula an gaming journey bilang magkaibigan. Madalas kaming magkasama, madalas kaming nagbibiruan, madalas kaming naghihintay sa pagpasok ng school, kapag kakain, kapag matutulog at madalas alam naming ang sikreto ng isa’t isa. (hahaha natatawa tuloy ako, parang lovers?) Well, ganon talaga magaan ang aming pakikitungo sa isa’t isa. Siguro meron lang naging common sa amin at nag-jive kami agad, at yun ay si God. Pareho kaming nakakilala kay God. Nasa college na kami, ganon parin communication. Hanggang sa nagka-anak ako, at naging Ninang siya. Well, hanggang ngayon we’re still friends at she’s excited on our wedding at siya ang mag-aasikaso ng ibang part.

Sa work naman, hmmm??? Hindi kasi lahat ng tao permanente at ito n yung sinasabi kong Drama mode at feedbacks.

The only permanent in the world is CHANGE. In short, everything is not permanent. Hindi lahat ng tao gusto ka, hindi lahat ng tao nanjan para sayo, hindi lahat ng tao tutulungan ka, hindi lahat ng tao totoo sayo, hindi lahat ng tao mag-i-stay pag nag-stay ka, hindi lahat ng tao totoo sa sarili nila, hindi lahat ng tao kaya kang sakyan or vice versa, hindi lahat ng tao mapagkakatiwalaan at higit sa lahat hindi lahat ng tao ay TAO madalas pa silang Plastik!

Plastik (Plastic)? May taong plastic ba? San ba nanggaling ang word na plastic? Ayon sa dictionary ang plastic ay isang materyal. Malaking MATERYAL! A wide range of synthetic or semi-synthetic organic solids that is moldable. But many are partially natural. Ahhh… yun pala.

Para sa akin walang taong plastic. Natatakot silang ilabas yung totoong sila. Natatakot silang tanggaping yung sarili nila. Natatakot silang tanggapin sila ng ibang tao. Natatakot silang maging totoo sa taong nakapaligid sakanila. At ang tawag dun ay Takot, in english Fear. Pwede ring Duwag?! Ikaw na bahalang magdescribe.

Sabi nga ng Friend ko sa Work (hahaha may friend pala ako sa Work), “Hindi ako naniniwala sa taong plastic, kasi desisyon nila yun kung gusto ka nilang galangin at respetuhin. It’s a matter of respect.
Joyleta, Me and Kristine
Sa pagtratrabaho ko sa kompanyang ito, iilan lang ang mga taong totoo at tunay na kaibigan. And I’m proud to say na nakita at alam kong totoo (kahit hindi ata? Joke!) sa akin ay sina Kristine Monzon, at Joyleta Bayani.

They corrected me if I’m wrong, they advised if I need (sometimes hindi ko rin pala kailangan) and you can count on them. Minsan mean sila sayo pero hindi ibig sabihin noon galit sila sayo. You need some other people to grow and be mature. At thankful ako kasi sa ganitong Line of Business bihira ka lang magkaroon ng kasama ng mga taong concern sayo.
Me and Levi

Thankful narin ako kasi they are being part of my life. Well, sabi rin ng isa kong friend na si Levi isalos, kapag badtrip ang tao sayo dahil lang sa comment mong hindi naman kapansin pansin, e hayaan na lang. Bakit? Kasi, hindi mo naman mood mo yung masisira kaya huwag magpapaapekto.
Maraming tsismosa (sobrang dami), maraming inggitera, maraming aaway sayo, maraming aapi sayo at maraming ayaw sayo. Kaya habang hindi mo masasabing may tiwala ka na agad sa kanila. At isa lang isispin pag nasa trabaho. Bakit ba ako nandito? Para kanino ba at nagtratrabaho ako. Hindi naman sakanila at hindi rin sila ang bumubuhay sayo, kaya deadma lang. Find someone who can jive your mood.

Dapat marunong kang lumaban pero andun parin ang humbleness. Wag kang papaya na apakan ng ibang tao ang pagkatao. Kung sila ay hindi naniniwala sayo, isa lang gawin mo ang maniwala sa sarili mo. Dahil mas kilala mo ang sarili mo kesa sa pagkakakilala nila sayo.

Kung i-judge ka man nila, deadma lang as long as alam mo ang totoo. At ang response din diyan ay wag mo rin silang i-judge.

Love selflessly. Ang ginagawa ko lang, iniisip ko na lang ang iba dahil alam kong mas ako yung nakakaintindi sakanila. They’re lost but they will be found kasi andito ako to reach them.


Eto pa pala, maraming nagrereklamo sa akin dahil daw kung makapagstatus ako sa FB or sa Windows Live Messenger eh wagas. Magulo pa, nakakairita, isip-bata, immature at hindi raw nila nakikita yung pagiging Christian ko. Hahaha natawa lang ako pero masakit kasi andoon parin ung part mong masasaktan ka talaga. Nag-isip na lang ako, hindi naman kasi nila alam ang tunay na dahilan kung bakit ganoon. At Hindi nagpost na ng verse kelangan overnight makikita na yung pagababago.

Actually, nasasaktan na ako sa mga corrections nila sa akin na animo’y mali parin ako kahit sa simpleng status lang or comment lang. Pero wala akong magagawa eh, opinion nila. At hindi ko naman kelangan makipagtalo. Iniisip ko na lang na isang advised kahit natatapakan na yung pagkatao ko, or nasasaktan na feelings ko.

Habang nagta-type ako netong article na toh (2days ko ng ginagawa), naalala ko yung lesson namin sa Training for Victory about fellowship and the character na kailangan magakaroon ka.
Ø  Humility
Ø  Patient
Ø  Forbearance
Ø  Considerate
Ø  (hindi ko na matandaan, edit ko na lang pag naalala ko na)

Minsan pag may mga comments mo na kinontra nila, at hihingin opinion mo, kokontrahin ulit nila. Mas maganda na lang na tumahimik ka at pag-uwi sa bahay umiyak ka at magdasal.

Hay… minsan naiisip ko mali ba lahat ng nacocontribute ko? Mali yung iniisip ko? Mali ba yung ginagawa ko? Kasi ang sakit sakit na. On my point of view, nararamdaman kong I’m not belong, I’m not even trusted and lastly I’m not even exists.

(Naglabas lang ako ng sama ng loob tungkol sa Work ko, sa Team ko, sa teammate ko at sa ibang taong dito sa office).
Sometimes, I would like to BREAK down and CRY. Do I deserve this? Or is this a test? Lord, heal me, help me and restore me.



"Blessed is the one who perseveres under trial because, having stood the test, that person will receive the crown of life that the Lord has promised to those who love him." James 1: 12


No comments: